MANILA, Philippines - Upang hindi na muling makaladkad pa sa pulitika, ipinabubuwag na ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa ang lahat ng mga police detachments sa ilalim ng city at municipal halls sa buong bansa.
Kasabay nito, binigyan ni Verzosa ng taning ang mga regional directors ng hanggang unang linggo ng Enero ng susunod na taon upang tumalima sa kautusan.
Sa direktiba, ipinag-utos ng heneral na ibalik sa kanilang mother units ang mga pulis na itinalaga sa ilalim ng city at municipal halls.
Sinabi ng PNP Chief na nilalayon nito na matiyak na hindi magagamit sa pulitika ang mga pulis partikular sa eleksyon sa susunod na taon. (Joy Cantos)