Ampatuan judge, isang bayani

MANILA, Philippines - Pinapurihan ni vice presidentiable Bayani “BF” Fernando si Que­zon City RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes na buong tapang na ti­nanggap ang kaso la­ban kay Datu Unsay, Maguin­danao Mayor Andal Am­patuan Jr. at iba pang akusado sa pama­mas­lang sa 57 katao sa naturang la­lawigan no­ong naka­raang buwan.

Sinabi ni Fernando na dapat gawing ehem­plo ng mga naninilbihan sa pamahalaan ang katapangan ni Judge Solis-Reyes na hindi alintana ang panganib upang gampanan ang sinumpaang tungkulin.

“Napakarami nating batas ngunit kung hindi naman ipapatupad nang may political will at ka­ tapangan ay maba­ba­lewala din ang mga ito,” sabi pa niya.

“Kailangan pa natin ng mga marami pang bayaning katulad ni Judge Solis-Reyes,” dagdag pa ni Fernando. (Butch Quejada)

Show comments