Financial assistance para sa barangay hinarang

MANILA, Philippines - Magiging malungkot ang Pasko ng dalawang barangay sa Makati matapos tutulan umano ng mga konsehal na alyado kay Vice Mayor Ernesto Mercado ng Nacionalista Party (NP) ang isang ordinansa na magbibigay ng financial assistance sa nasabing mga barangay.

Ayon kay Bangkal Barangay Chairman Fermin T. Eusebio, ka­pag tuluyan nang naiba­sura ang nasabing ordi­nansa ay kakapusin sila ng pampasahod sa mga empleyado at nanga­nganib ding mabinbin ang mga nakalinyang proyekto dahil naapek­tuhan ng economic crisis ang collection target nila para sa taong ito.

Ang hiling na tulong mula sa pamahalaang lungsod sa halagang P4,735,341.84 ay mag­bibigay-daan sana para matapos ang mga pro­yektong pambarangay at para kumpletong ma­pasahod ang mga em­pleyado. Bunga nito ay nabibinbin ang kag­yat na tulong na hiling ng Ba­rangay Bangkal.

Ang pagkayari ng ilang public school building dito ay nalagay din sa alanganin. Ang natu­rang ordinansa ay humi­hiling nang paglalaan ng halagang P123.23 million para sa mga sumu­sunod na proyekto: loan assistance para sa Ba­rangays Bangkal at Pi­nag­kaisahan; Phase II ng Makati Youth Home; Barangay San Isidro Community Complex; extension ng Comembo Elementary School; Phase II ng Pio Del Pilar­ High School at Phase II ng Pembo Elementary School.

Show comments