Financial assistance para sa barangay hinarang
MANILA, Philippines - Magiging malungkot ang Pasko ng dalawang barangay sa Makati matapos tutulan umano ng mga konsehal na alyado kay Vice Mayor Ernesto Mercado ng Nacionalista Party (NP) ang isang ordinansa na magbibigay ng financial assistance sa nasabing mga barangay.
Ayon kay Bangkal Barangay Chairman Fermin T. Eusebio, kapag tuluyan nang naibasura ang nasabing ordinansa ay kakapusin sila ng pampasahod sa mga empleyado at nanganganib ding mabinbin ang mga nakalinyang proyekto dahil naapektuhan ng economic crisis ang collection target nila para sa taong ito.
Ang hiling na tulong mula sa pamahalaang lungsod sa halagang P4,735,341.84 ay magbibigay-daan sana para matapos ang mga proyektong pambarangay at para kumpletong mapasahod ang mga empleyado. Bunga nito ay nabibinbin ang kagyat na tulong na hiling ng Barangay Bangkal.
Ang pagkayari ng ilang public school building dito ay nalagay din sa alanganin. Ang naturang ordinansa ay humihiling nang paglalaan ng halagang P123.23 million para sa mga sumusunod na proyekto: loan assistance para sa Barangays Bangkal at Pinagkaisahan; Phase II ng Makati Youth Home; Barangay San Isidro Community Complex; extension ng Comembo Elementary School; Phase II ng Pio Del Pilar High School at Phase II ng Pembo Elementary School.
- Latest
- Trending