^

Bansa

Sa bulkang Mayon: Evacuation sapilitan na

-

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  - Pupuwersahin nang ilikas ang mga residen­teng nakatira sa mapa­nganib na bahagi ng bul­kang Mayon at tumatang­ging umalis at lumipat sa mga evacuation center. 

Sinabi ni Albay Governor Joey Salceda sa isang panayam na personal nilang ilalayo sa bulkan ang mga residen­teng ayaw lumikas.

Ayon kay Salceda, meron pang 1,300 pamil­ya ang nananatili sa ka­nilang mga tahanang na­katayo sa loob ng eight-kilometer danger zone sa paligid ng Mayon.

Umaabot na sa 44, 394 katao na ang inililikas matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang alert level 4 sa bulkang Mayon dahil sa patuloy na pag-alburoto nito sa buong magdamag na pagma­mat­yag dito.

Sa talaan ng Phivolcs, ang bulkan ay nagkaroon ng 1,942 volcanic earthquakes at lalong tumaas ang bilang ng sulfur dioxide na tinatayang uma­abot sa 6,089 tonelada kada araw.

Malaki ang paniniwala na araw na lamang ang hini­hintay at maaring mag­karoon na ng mala­kas na pagsabog na ina­abangan ng mga awto­ridad.

Patuloy naman ang pag­dagsa ng mga eva­cuess na galing sa ilang barangay dahil sa takot sa kanilang naririnig na malalakas na dagundong ng bulkan.

Sinasabi sa ulat ng Provincial Disaster Coordinating Council na 9,200 pamilyang nakatira sa 8-kilometer danger zone ng bulkan ang nagsilikas hanggang kahapon ng umaga at tumuloy sa mga temporary shelter na inilatag ng pamahalaan. (Ed Casulla, Angie dela Cruz)

ALBAY

ALBAY GOVERNOR JOEY SALCEDA

ANGIE

AYON

ED CASULLA

MAYON

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PROVINCIAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with