^

Bansa

Voters' registration umpisa ngayon

-

MANILA, Philippines - Muling magbubukas ang Commission on Elections ngayong araw upang ipagpatuloy ang voters’ registration sa bansa.

Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ng Korte Suprema na palawigin pa o i-extend ng hanggang sa Enero 9, 2010 ang pagpaparehistro sa mga botante, batay sa isinasaad ng batas.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jime­ nez, simula ngayong araw, Disyembre 21, at sa mga susunod na petsa na 22, 23, 28 at 29, ay muli nang ta­tanggap ang Comelec ng mga nais magparehistro ang lahat ng lokal na tang­gapan ng Comelec sa buong bansa.

Nilinaw naman ni Jime­nez na tanging ang mga first time registrants ang kani­lang ie-entertain sa mga nabanggit na petsa. Aniya, hindi na sila tatanggap ng mga gustong magpalipat ng registration, magpa-reactivate at nais magpatama ng records.

Dapat na rin aniyang asahan ng mga magpapa­rehistro ang mahabang pila sa mga tanggapan ng Comelec sa mga araw ng pagtutuloy ng registration, kaya’t dapat aniyang tiyakin ng mga ito na kumpleto ang mga dalang requirements sa isasagawang pagpa­patala.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Jimenez na hindi na isasama ng Comelec sa tally ng mga botante ang mga hahabol sa pagpapa­rehistro. (Mer Layson/Doris Franche)

ANIYA

AYON

COMELEC

COMELEC SPOKESMAN JAMES JIME

DAPAT

DORIS FRANCHE

KORTE SUPREMA

MER LAYSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with