MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Philippine Federation of Bakers Association(PFBA) Vice President Chito Chavez na hindi tataas ang presyo ng mga tinapay hanggang sa matapos ang taong 2009 sa kabila ng pagtaas ng presyo ng asukal at Liquified Petroleum Gas (LPG) na kabilang sa mga produktong kanilang ginagamit sa paggawa ng tinapay.
Sa Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Chavez na ang pananatili ng presyo ng tinapay ay pamaskong handog ng kanilang samahan sa mga Filipino na dumaranas din ng hirap.
Bagama’t hindi naging maganda ang taong 2007 hanggang 2009 sa bakers industry lalo na sa mga maliliit na panadero, positibo naman ang kanilang pananaw sa papasok na taong 2010.
Naniniwala si Chavez na malaki ang magiging am bag ng papalapit na 2010 eleksiyon sa industriya ng pagtitinapay dahil karamihan ng kandidato ay bumibili ng loaf bread para ipakain sa mga watchers at iba pang kasapi sa electoral process.
Gayunman, sinabi ni Chavez na kung sakaling natuloy ang nakaambang shortage sa LPG mala mang na magkaroon din ng shortage sa loaf bread. (Doris Franche)