^

Bansa

Presyo ng tinapay 'di tataas

-

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Philippine Federation of Bakers Association(PFBA) Vice President Chito Chavez na hindi tataas ang presyo ng mga tinapay hanggang sa matapos ang taong 2009 sa kabila ng pagtaas ng presyo ng asu­kal at Liqui­fied Petroleum Gas (LPG) na kabilang sa mga pro­duktong kanilang ginagamit sa paggawa ng tinapay.

Sa Balitaan sa Tinapa­yan, sinabi ni Chavez na ang pananatili ng presyo ng tinapay ay pamaskong handog ng kanilang sama­han sa mga Filipino na dumaranas din ng hirap.

Bagama’t hindi naging maganda ang taong 2007 hanggang 2009 sa bakers industry lalo na sa mga maliliit na panadero, posi­tibo naman ang kanilang pananaw sa papasok na taong 2010.

Naniniwala si Chavez na malaki ang magiging am­ bag ng papalapit na 2010 eleksiyon sa indus­triya ng pagtitinapay dahil karami­han ng kandidato ay bumibili ng loaf bread para ipakain sa mga watchers at iba pang kasapi sa electoral process.

Gayunman, sinabi ni Chavez na kung sakaling natuloy ang nakaambang shortage sa LPG mala­ mang na magkaroon din ng shortage sa loaf bread. (Doris Franche)

BAGAMA

CHAVEZ

DORIS FRANCHE

GAYUNMAN

LIQUI

PETROLEUM GAS

PHILIPPINE FEDERATION OF BAKERS ASSOCIATION

SA BALITAAN

SHY

VICE PRESIDENT CHITO CHAVEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with