^

Bansa

Checkpoint inilatag na sa danger zone

-

MANILA, Philippines - Dahil sa lumalalang pag-alburoto ng bulkang Mayon, naglatag na ng checkpoints ang mga otori­dad sa itinuturing na “no-man’s land” o danger zones malapit dito.

Ayon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang grupo ay pina­ngunahan ng pinagsanib na task force na magsasagawa ng pagpapatrulya sa nasa­bing lugar upang tugayga­yan ang mga taong mapag­samantala at mga residen­teng ayaw magsipaglikas sa kanilang lugar.

Partikular dito ang Ba­rangay Quirangay sa Ca­ma­lig; Barangay Salvacion at Barangay Matnog sa Daraga; Barangay Mulad­bucad sa Guinobatan; at Barangay Buyuan sa Mata­nag, Legazpi City.

Nananatiling ipinag­ ba­­bawal ng NDCC ang six-kilometer permanent danger zone sa itinuturing na “no man’s activity” dahil kino­kon­sidera ng otoridad ang lugar hang­gang 8 km sa palibot ng bulkan bilang mapanga­nib na lugar.

Ba­gama’t ang abo ay hindi naman direktang ma­panga­nib sa residente, narito pa rin ang takot sa sandaling maging isa itong putik na nangyari nang sumabog ang Mayon noong 2006 kung saan daang tao ang natangay. Ricky Tulipat

AYON

BARANGAY BUYUAN

BARANGAY MATNOG

BARANGAY MULAD

BARANGAY SALVACION

LEGAZPI CITY

MAYON

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with