^

Bansa

Mayon nasa alert level 4 na!

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Itinaas na sa alert level 4 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alarma sa bulkang Mayon, mata­ pos maitala ang may 453 volcanic quakes kahapon w at malakas na mga harmonic tremors.

Ayon kay July Sabit ng Phivolcs sa isinagawang press conference sa pro­bin­sya ng Albay pasado alas-4 ng hapon, ang pag­papakita ng abnormalidad ng bulkan kabilang ang malakas na dagundong o rumbling sounds at pag­dami ng pagyanig mula dito ay indikasyon para itaas sa level 4 ang alerto nito.

Ang dagundong anya ay umaabot na sa Sto. Domingo, Albay na hudyat ng posibleng pagsabog nito anumang araw.

Sinabi ng Phivolcs, para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan, inireko­men­da ng pamunuan ang extended danger zone sa bukana nito na may 8 kilometers mula sa southern sector at 7 kilometro sa northern sector.

Una na ring ipinahiwatig ni Phivolcs Director Renato Solidum na maaaring itaas na sa alert level 4 ang alarma ng bulkan, kung magpatuloy pang tataas ang naitatalang harmonic tremors nito sa susunod na 18 oras.

Sinasabing ang characteristics ng alert level 4 ay ang patuloy na pagya­nig at mga mahinang antas ng pagyanig, ang pagtaas at pagbaba ng level ng sulfur dioxides na patuloy na inilalabas nito, at matinding paglabas ng mga lava mula sa bunga­nga ng bulkan.

Aminado ang ahensya na patuloy ngang tumataas ang abnormality level ng bulkan kung kaya’t napa­kalaki na rin ng posibilidad na sumabog ito at inaasa­hang mangyari sa Enero 1 pagpasok ng Bagong Taon.

Nauna nang binanggit ng mga Phivolcs na aabutin ng 10 kilometro ang isasa­bog na abo ng bulkang Mayon, sakaling mangya­yari ang explosive eruption nito.

Kaugnay nito, iniulat naman ng local civil defense na nailikas na ng mga otoridad ang may 8,000 sa tinatayang nasa 9,000 pamilya na nakatira sa loob ng itinalagang 8-kilometer danger zone.

vuukle comment

ALBAY

AMINADO

BAGONG TAON

JULY SABIT

MAYON

NITO

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

PHIVOLCS DIRECTOR RENATO SOLIDUM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with