Probe sa mga hayop sa Caticlan airport inutos
MANILA, Philippines - Inatasan ni Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza na rebisahin ang reklamo ni Marikina Rep. Del de Guzman hinggil sa umano’y pagpasok ng mga pagala-galang hayop sa Caticlan airport, Aklan ng alisin ang perimeter fence sa dulo ng runway ng nasabing airport.
Pangungunahan ng Office of Transportation Security (OTS) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang imbestigasyon sa naturang reklamo.
“A review has been ordered on the security setup there in Caticlan airport, the gateway to the world-renowned beach of Boracay,” ani DOTC Undersecretary for Maritime Transport Thompson Lantion.
Layon nito na makapaglabas ng paraan para mapigilan ang pagpasok ng mga gumagalang hayop sa airport runway na magiging panganib sa mga pasaherong sakay ng mga eroplano. Unang kinuwestyon ang planong pagpapapatag ng bundok sa naturang lalawigan para mapalaki ang runway ng nasabing airport. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending