Zambales 'inangkin' na ng mga Deloso

MANILA, Philippines - Tila ‘inangkin” na umano ng pamilyang Deloso ang lalawigan ng Zambales dahil ang mga anak, ka­patid, pinsan at kamag-anak ng gober­nador dito ay ku­makan­didato ngayon para sa 2010 election.

Sa isang kalatas na ibinigay sa mga mamama­hayag, sinabi ng mga re­sidente ng Zambales na may­roon umanong “40 bodyguards” si Gov. Amor Deloso na mistula ng private army.

Sa rekord ng Commission on Election, lumilitaw na ang runningmate nga­yon ng gobernador ay ang kanyang pamangkin na si Jury Deloso bilang bise gobernador.

Kumakandidato na­man bilang Congressman ng ika­ lawang distrito ng Zam­bales ang anak ng gober­nador na si Sheryl Deloso.

Ang isa pang anak ng gobernador na si Adher­bert Deloso ay tumatakbo bilang Alkalde ng bayan ng Iba, Zambales.

Si Estela Deloso naman na kapatid ng gobernador ang kumakandidato sa pagka-mayor sa bayan ng San Antonio.

Habang si Ino Deloso na isa pang anak ng gober­nador ay naghahangad na maging vice mayor ng bayan ng Botolan. (Butch Quejada)

Show comments