^

Bansa

Recom nagpaalala vs sunog

-

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ni Caloo­can City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga residente sa posib­leng insidente ng sunog at pin­salang kaakibat nga­yong Kapaskuhan, kasa­bay ng pag­papaalala na kasado na ang pagha­handa ng pamahalaang lungsod.

Itinaas naman ni Echi­ verri sa alert status ang pamahalaang lung­sod dahil sa mas mara­ming insi­dente ng sunog at kaso ng firecracker-related injury sa mga pana­hong ito.

Kaugnay nito, patuloy sa pagmo-monitor ang Caloocan City Health Department (CHD) sa limang malalaking pagamutan sa siyudad na tinaguriang sentinel hospitals.

Patuloy naman ang inspeksiyon ng mga ta­uhan ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) sa ilang esta­blisyemento at residential area upang masiguro ang kaligtasan ng publiko, lalo na ng kabataan, laban sa mga ipinagbabawal at ilegal na paputok.

Kabilang na rito ang piccolo, watusi o dancing firecracker, 5-star “Reben­tador,” “Kingkong,” pla-pla at boga o kanyong gawa sa tubo ng PVC.

vuukle comment

CALOO

CALOOCAN CITY HEALTH DEPARTMENT

CITY MAYOR ENRICO

ECHI

ECHIVERRI

ITINAAS

KABILANG

KAPASKUHAN

REFORMED DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with