MANILA, Philippines - Pinangangambahan ngayon ng grupo ni IT businessman Joey de Venecia III ang “no president” scenario bunsod ng posibilidad ng pagdedeklara ng “failure of national election” dahil sa pagiging ignorante sa computerization na gagamitin sa 2010 election.
Ayon kay de Venecia, senatorial bet ng Pwersa ng Masa, hindi handa ang Commission on Election sa pagpapatu pad ng automated election dahil sa kakulangan ng mga eksperto dito at hindi kahandaan ng mga makinang gagamitin dito kung saan wala din ginagawang trial run.
Iginiit nito na 61% ng mga Filipino ang hndi marunong sa poll automation na maaaring maging sanhi ng failure of election.
Maaari din aniyang ang mga nanalo lang sa congressional, mayoral at gubernatorial ang maaaring maideklara kung saan kabilang si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa makauupo bilang congresswoman ng 2nd district ng Pampanga at makuha ang hinahangad na Speaker of the House. (Butch Quejada)