Judge sa Ampatuan pinagre-resign

MANILA, Philippines - Pinagre-resign ni Se­nator Richard “Dick” Gordon ang Quezon City judge na tumangging ku­nin ang kaso ng pangu­nahing suspek sa Ma­guindanao massacre na si Datu Unsay Mayor Andal Ampa­tuan Jr.

Ayon kay Gordon, tra­baho ng judge na nato­kahan ng kaso na gawin ang trabaho nito at hindi dapat magpakita ng takot sa mga Ampatuan na si­ni­sisi sa pagmasaker ng 57 katao noong Nobyem­bre 23.

Hindi aniya dapat uma­angal ang mga judges kung may nara-raffle na kon­trober­siyal na kaso sa kanilang sala.

Idinagdag ni Gordon na dapat ipaglaban ng lahat ang prinsipyo na hindi dapat manalo ang masa­ma laban sa ka­butihan.

Sinabi ni Gordon na nakakahiya ang gina­wang pagtanggi ni QC Judge Luisito Cortez ng Branch 84 para hawakan ang kaso ng Maguinda­nao massacre.

Sinermunan pa ni Gordon si Cortez na huwag tu­manggap ng puwesto sa hudikatura kung hindi ka­yang gam­panan ang tung­kulin at paiiralin ang ka­du­wa­gan nito. (Malou Escudero)

Show comments