^

Bansa

Si Jamby ang dapat ma-disqualify!

-

MANILA, Philippines - Inupakan ng mga supporters ng independent candidate para sa pagka-presidente na si Nicanor Perlas si Senador Maria Consuelo Jamby Madrigal matapos na alisin ng Commission on Elections ang una at makalusot ang huli para makalahok sa 2010 presidential election.

Sinabi ng kampo ni Per­las sa Comelec na si Madrigal ang dapat na sinipa ng Comelec dahil ito ang na­ ging sanhi ng pag­kaka­hati-hati ng opposis­yon.

Naniniwala din ang mga ito na nuisance candidate si Madrigal at la­yunin lang nitong sumira ng kredibilildad ng ibang kandidato kaya tumakbo bilang pangulo.

Iginiit din nito na wa­lang legal na basehan ang Comelec para ideklara siyang isang nuisance candidate dahil may sapat naman aniya siyang mga volunteer sa buong bansa na tutulong sa kaniyang maglunsad ng isang nationwide campaign.

Una ng inalis ng Come­lec si Perlas habang naka­lusot naman si Madrigal ngunit minsan na rin itong binansagang nuisance candidate gaya nina Eddie Gil at Atty. Ely Pamatong dahil kulang din ito sa makinarya at walang si­nasalihang political party o anumang grupo.

Kasama si Madrigal sa listahan na pinayagang tumakbo sa pagka-pa­ngulo ng Comelec. Ang mga ibang lumusot ay sina Senators Manny Villar ng Nacionalista at Noynoy Aquino ng Liberal Party, Konsehal JC delos Reyes ng Kapatiran Party, dating president Joseph Estrada ng Puwersa ng Masa, Sen. Richard Gordon ng Ba­gumbayan, dating Defense secretary Gilbert Teodoro ng Lakas-Kampi at Bro. Eddie Villanueva ng Ba­ngon Pilipinas. (Mer Layson)

COMELEC

EDDIE GIL

EDDIE VILLANUEVA

ELY PAMATONG

GILBERT TEODORO

JOSEPH ESTRADA

KAPATIRAN PARTY

LIBERAL PARTY

MER LAYSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with