Lim umalma sa disqualification

MANILA, Philippines - Sumugod kahapon sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila upang maghain ng motion for reconsideration ang mga national candidates na diniskuwalipika nito at idineklarang nuisance candidates o pang­gulong kandidato.

Kabilang sa mga unang umalma sa resolusyon ng Comelec ay ang deteni­dong si Brig. Gen. Danilo Lim na nais kumandidato sa pagka-senador sa 2010 polls.

Binigyang-diin ni Lim na hindi siya dapat na diniskuwalipika ng Co­melec dahil tatlong ma­lalaking political parties ang nag-adopt sa kaniya bilang kandidato ng mga ito.

Bukod pa dito, kasama rin aniya siya sa mga nangungunang pangalan na nais iboto ng mga tao sa mga isinasagawang national surveys.

Nabatid na si Lim ay tatakbo sa ilalim ng tiket ni Sen. Benigno “Noynoy” Aqui­no III na presidential candidate ng Liberal Party, at adopted candidate din siya ng Pwersa ng Masa Pilipino ni dating Pangu­long Joseph Estrada, na kasama rin sa mga kandi­datong pinayagang maka­lahok sa 2010 presidential race.

Binigyang diin pa ni Lim na isa umanong paninikil sa demokrasya ang nasa­bing pagbabasura ng Co­melec sa kaniyang kan­didatura dahil ang laban niya sa pagtakbong Se­nador sa 2010 polls ay laban ng buong sambaya­nang Pilipino. (Mer Lay­son/Joy Cantos)

Show comments