ASG leader arestado ng NBI
MANILA, Philippines - Isang mataas na opisyal ng bandidong Abu Sayaff Group na nahuli at ipinata pon ng Indonesian government para humarap sa mga patong-patong na kaso nito sa Pilipinas kabilang ang pagdukot sa mag-asawang Grace at Martin Burnham noong Mayo 2001 sa Mindanao ang dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sakay ng Philippine Airlines flight PR-536.
Si Baser Sulaiman Latip, alyas Rahim Malik Suwaib ay iniskortan pabalik sa Pilipinas nina Jose de Guzman ng Philippine Consulate sa Jakarta, Indonesia at Police Supt. Roel de Leon.
Si Latip ay nakaposas ng i-turnover sa pag-iingat ng Bureau of Immigration ng dumating ito sa paliparan.
Gayunman, si Latip ay mabilis na dinala ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa ulat naman ni Regional Director Ricardo Diaz, hepe ng NBI Counter Terrorism Unit, isa umanong pugante sa Estados Unidos si Latip, na may patong sa ulo na $1.5 milyon.
Umamin umano ang nasabing ASG member na malapit na kaibigan niya si Janjalani at gumagamit siya ng ibang pangalan dahil alam niya na may reward ang pagdakip sa kaniya at nasa talaan siya ng Interpol subalit itinanggi niya na may kinalaman siya sa pagdukot kay Charles M. Walton, isang missionary linguist sa isla ng Pangutaran, Sulu. (Butch Quejada/Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending