Lolo, lola benefits pinamamadali

MANILA, Philippines - Hinikayat ni House Speaker Prospero No­grales ang Senado na agad maipasa ang batas na magbibigay ng mga benepisyo sa mga senior citizens.

Ang House bill 6390 o mas kilala bilang Comprehensive Senior Citizens Act of 2009 ay kumikilala sa mga karapatan at be­nepisyo ng mga senior citizens sa lipunan.

Kabilang sa mga be­nepisyong nais pagtiba­yin ng kongreso para sa mga senior citizens ay ang pabibigay ng death benefit assistance sa pamilya nito, pagpapataw ng mabigat na multa sa mga botika at ospital na hindi nagbibigay ng dis­kwento sa mga mata­tanda.

Bibigyan din ng ha­nap-buhay ang mga senior citizen sa pamama­gitan ng pagtatayo ng livelihood center sa bawat barangay upang maging aktibo ang mentalidad at katawan ng mga ito. (Butch Quejada)

Show comments