Demokrasya palakasin sa Maguindanao - Gibo
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. na dapat isulong ngayon ng gobyerno ang pagpapalakas ng demokrasya sa Maguindanao matapos alisin ang martial law para umusbong na muli ang ekonomiya nito.
Ayon kay dating Defense Secretary Teodoro, ang pananatili ng pulis at military sa Maguindanao sa pag-iral pa rin ng state of emergency ay dapat magsiguro ng pagkakaroon ng demokrasya para maisulong ang ekonomiya ng lalawigan na naudlot dahil sa kaguluhan.
Idinagdag pa ni Teodoro, kahit inalis na ang martial law sa Maguindanao ay nakaharap pa rin sa hamon ang gobyerno sa tuluyang pagbuwag sa kultura ng ‘warlordism’ sa bansa.
Naunang nanawagan si Gibo sa gobyerno na ‘makialam’ upang hindi kumalat ang kaguluhan sa iba pang lugar sa Mindanao matapos ang masaker na kumitil sa buhay ng 57 sibilyan kabilang 30 journalists. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending