PGII eksklusibong distributor ng Sanuk

MANILA, Philippines - Nilinaw kamakailan ng Philgear International      Inc. (PGII) na ito ang exclusive distributor sa Pilipinas ng Sanuk brand footwear products.

Dahil dito, nanawagan ang PGII sa publiko na bumili lang ng mga Sanuk brand footwear sa mga awtorisadong tindahan at outlet nito.

Pinapayuhan ng PGII ang mga konsyumer na huwag tangkilikin, bilhin o ibenta ang mga pekeng Sanuk brand footwear products.

Ayon pa sa PGII, sino mang mahuhuli sa iligal na pagbebenta o pagbili o pakikipagtransaksyon sa Sanuk brand footwear ay kakasuhan sa paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act No. 8293.

Idinagdag ng PGII na anumang impormasyon      sa mga nagbebenta ng iligal na Sanuk products ay maaa­ring isumbong sa Roque & Butuyan Law Offices na may tanggapan sa1904 Antel Corporate Center, 121 Valero Street, Salcedo Village, Makati    City at telephone number 8874445.

Show comments