Hiling na martial law sa Basilan ibinasura
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Malacañang ang panawagan na magdeklara ng martial law o state emergency sa Basilan.
Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde na tinanggihan ng National Security Council ang panawagan ng local crisis management committee gayundin ng Obispo na magdeklara ng state of emergency matapos unang tanggihan ang pagdedek- lara ng martial law sa Basilan.
Ayon kay Remonde, magpapadala ng dagdag na tropa ng pulis at militar ang gobyerno sa lalawi-gan upang mapanatili ang kaayusan at katahimi- kan sa nasabing lalawigan.
Hiniling ng local crisis management committee na magdeklara ng martial law o state of emergency sa Basilan dahil sa muling kidnapping incident kung saan ay dinukot ang opisyal ng Basilan State University noong nakaraang linggo at ang pagtakas ng may 31 preso sa provincial jail. (Rudy Andal at Doris Franche)
- Latest
- Trending