MANILA, Philippines - Pinagtibay kahapon ng Senado ang isang resolusyong nagsasaad na la bag sa Konstitusyon ang pagdedeklara ng Martial Law sa Maguindanao.
Ginawa ng Senado ang desis- yon kahit inalis na ni Pangulong Gloria Arroyo ang Batas Militar sa lalawi-gan noong Sabado ng gabi.
Ipinahiwatig ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na, kahit binawi ng Malacanang ang Proclamation 1959 o Batas Militar, mahalaga pa ring maihayag ang damdamin ng bawat miyembro ng mataas na kapulungan sa usaping ito.
Wala anilang merito ang katwi- ran ng Malacañang na hindi na gu-magana ang hustisya at nagkalat ang mga armadong grupo sa Maguindanao.
Inaasahang ia-adjourn ng Senate at House of Representatives kahapon ng hapon ang kanilang joint session na naglalayon sanang repasuhin ang proklamasyon ng Batas Militar sa Maguindanao.
Sinuportahan naman ng ilang mambabatas sa Mindanao ang pagkakatanggal ng Batas Militar sa Maguindanao na tumagal lang ng halos walong araw.
Sinabi nina Maguindanao Rep. Simeon Datumanong at Zamboanga Rep. Antonio Cerelles na hindi na kailangan para pairalin pa ang martial law sa Maguindanao.
Iginiit kahapon ng Malacañang na nagdesisyon si Pangulong Arroyo na alisin ang Batas Militar sa Maguindanao dahil nakamit na nito ang mithiin at hindi dahil sa takot na mapahiya ito sa Kongreso at Korte Suprema.
Samantala, isinampa kahapon ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ang kasong multiple murder laban sa 27 kataong sangkot sa Maguindanao Massacre. Kabilang dito sina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at ARMM Gov. Zaldy Ampatuan. (Malou Escu dero, Rudy Andal, Butch Quejada at Ludy Bermudo)