^

Bansa

'Martial Law iligal' -Senado

-

MANILA, Philippines - Pinagtibay kahapon ng Senado ang isang resolusyong nagsasaad na la­ bag sa Konstitusyon ang pag­dedek­lara ng Martial Law sa Maguin­danao.

Ginawa ng Senado ang desis- yon kahit inalis na ni Pangulong Gloria Arro­­yo ang Batas Militar sa lalawi-gan no­ong Sabado ng gabi.

Ipinahiwatig ni Senate Majority Lea­der Juan Miguel Zubiri na, kahit bina­wi ng Malacanang ang Proclamation 1959 o Batas Militar, maha­laga pa ring maihayag ang damda­min ng bawat mi­yembro ng mataas na kapu­lungan sa usaping ito.

Wala anilang merito ang katwi- ran ng Malacañang na hindi na gu-ma­gana ang hustisya at nagkalat   ang mga ar­ma­dong grupo sa Maguin­danao.

Inaasahang ia-adjourn ng Senate at House of Representatives kaha­pon ng hapon ang kanilang joint session na nag­lalayon sanang repa­su­hin ang pro­kla­masyon ng Batas Mili­tar sa Maguind­anao.

 Sinuportahan naman ng ilang mam­babatas sa Mindanao ang pag­ka­ka­­tang­gal ng Batas Militar sa Ma­­guinda­nao na tumagal lang ng halos walong araw.

Sinabi nina Maguindanao Rep. Simeon Datumanong at Zamboanga Rep. Antonio Cerelles na hindi na ka­ila­ngan para pairalin pa ang martial law sa Maguindanao.

Iginiit kahapon ng Malacañang    na nagdesisyon si Pangulong Arroyo na alisin ang Batas Militar sa Ma­guin­danao dahil nakamit na nito ang mit­hiin at hindi dahil sa takot na ma­pa­hiya ito sa Kon­greso at Korte Su­prema.

Samantala, isinampa kahapon ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ang kasong multiple murder laban sa 27 kataong sangkot sa Maguindanao Massacre. Kabilang dito sina dating Maguinda­nao Gov. Andal Ampatuan, Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at ARMM Gov. Zaldy Ampatuan. (Malou Escu­ dero, Rudy Andal, Butch Quejada at Ludy Bermudo)

ANDAL AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN JR.

ANTONIO CERELLES

BATAS MILI

BATAS MILITAR

BUTCH QUEJADA

DATU UNSAY MAYOR

DEPARTMENT OF JUSTICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with