Presong Sayyaf at MILF ililipat sa Metro Manila: iwas-takas!
MANILA, Philippines - Irerekomenda ng Philippine National Police sa Department of Interior and Local Government na ilipat sa mga kulungan sa Metro Manila ang mga miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Libe-ration Front at ng bandidong Abu Sayyaf na nakakulong sa iba’t ibang piitan sa Mindanao.
Ito ang nabatid kahapon sa tagapagsalita ng PNP na si Chief Supe-rintendent Leonardo Espina na nagsabing irerekomenda nila ang hakbang para hindi maulit ang nangyari kamakalawa nang lusubin ng MILF ang provincial jail ng Basilan at itakas ang may 31 miyembro nila na nakakulong dito.
Sinabi ni Espina na hindi saklaw ng PNP ang Basilan Provincial Jail dahil hawak ito ng Bu-reau of Jail Management and Penology na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng DILG.
Gayunman, dahil sa nakakaalarmang insidente, tungkulin naman ng PNP ang tumulong sa pangangalaga sa seguridad habang naglunsad na rin ng hot pursuit operations upang arestuhin muli ang 31 pugante na kinabibilangan ng mga high risk detainees ng MILF at Abu Sayyaf.
Iniimbestigahan na rin ng Criminal Investigation and Detection Group ng Police Regional Office 9 ang tatlong jailguards kaugnay ng kapabayaan sa tungkulin sa naganap na Basilan jailbreak kung saan 31 preso ang nakatakas at ikinasawi ng isang jailguard, at isang raider habang isa pa ang sugatan kamakalawa.
Kabilang sa inimbestigahan sina Jumaril Sali, Provincial Warden; Provincial Guard Sixto Diaz; at Provincial Guard Danie Cumbong na pawang naka-duty ng maganap ang jailbreak.
Hugas kamay kahapon ang MILF na nagpahayag na wala silang kinalaman sa pagkakalusob sa Basilan Provincial Jail at pagpapatakas sa 31 preso rito.
Iginiit ni MILF Spokesman Eid Kabalu na, kung tutuusin, isa lamang sa kanilang mga kasama-han ang nakakulong sa Basilan Provincial Jail.
Sa tala ng PNP, tatlo sa mga pugante ang tinu koy na MILF na sina HJ Hassan Asnawi, Jemar Tarang at Kamsa Limaya na pawang may kasong multiple murder at multiple frustrated murder, at kidnapping with serious illegal detention.
Pabuya Pinalabas
Nagpalabas naman kahapon ng P2 milyon pabuya ang Anti-Terrorism Council para sa sinumang makakapagturo upang madakip ang may 21 tero rista na kabilang sa 31 pre so na tumakas mula sa Basilan Provincial jail.
Ayon kay Justice Undersecretary Ricardo Blancaflor, tagapagsa -lita ng ATC, ang nasabing halaga ay para sa bawat isang miyembro ng Abu Sayyaf at MILF kaya nangangahulugan ito na mahigit pa sa P2 milyon ang makukuha sa sinumang makapagturo sa mga pugante. (May ulat ni Doris Franche)
- Latest
- Trending