MANILA, Philippines - Pormal na nagpahayag ng suporta kay Bayani Fernando ang grupong Tao Muna At Bayan (A TAMBAY) Partylist na kumakatawan sa milyon-milyong walang trabaho, mga underemployed at overseas contract worker sa loob at labas ng bansa.
Ang A TAMBAY, na kamakailan ay in-accredit ng Comelec upang lumahok sa 2010 elections, ay nagbigay suporta sa mithiin ni dating MMDA chairman Fernando na makapagsilbi sa bansa bilang bise presidente.
“Kami ay naniniwala na isang lider na katulad ni Bayani Fernando ang kailangan ngayon ng bansa, isang lider na determinadong isaayos ang bayan sa pamamagitan ng disiplina at may paniniwala sa kakayahan ng bawat Pilipinong baguhin at hina-ngin ang kanyang sariling galing para sa isang mas magandang kinabukasan,” pahayag ni dating OFW congressman Omar Fajardo, tumatayong secretary-general ng A Tambay Partylist, sa isang pagpupulong sa mga miyembro ng grupo sa Malolos, Bulacan kamakailan.
Ayon sa record, mahi-git sa walong milyong Pilipino ngayon ang walang hanap-buhay at hindi kukulangin sa anim na milyon ang underemployed o iyong mga may trabaho nga ngunit apat na oras lamang pababa pumapasok kada araw.
Ayon pa rin sa record, maraming Pilipino, o higit sa 40 milyon ang nagkakasya sa isang dolyar o kulang pa upang mabuhay kada araw. (Butch Quejada)