Duque, DOH sec. pa rin
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Malacañang na mananatiling kalihim ng Department of Health si Secretary Francisco Duque habang wala pang pormal na appointment ito bilang Civil Service Commission chief.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, wala pang bagong appointment si Duque kaya mananatili pa rin itong DOH head.
Magugunita na ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga kay Ricardo Saludo bilang CSC chief kaya naghahanap ang Palasyo ng kapalit nito at inilagay na lamang na secretary-general ng Public-Private Rehabilitation Commission si Saludo ni Pangulong Arroyo. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending