^

Bansa

7 bayan sa Aklan nasa Comelec watchlist

-

MANILA, Philippines - Pitong bayan sa lala­wigan ng Aklan ang isi­nailalim na sa election watchlist ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 2010.

Ayon kay Col. Ranulfo Demiar, Public Informa-tion Officer ng PRO6, ang nasabing mga bayan ay ang Banga, Batan, Bu­ruanga, Ibajay, Kalibo, Mali­nao at New Washington na itinuring na category 1.

Nilinaw ni Demiar na ikina-classify ang isang lugar sa category 1 kung may election related violence sa nakalipas na tat­long halalan, pero walang kinalaman ang mga domestic terror groups ka­gaya ng CPP-NPA.

Bukod pa anya dito, ang nangyaring matin­ding partisan political rivalry, posibleng deployment ng partisan armed groups at pagkakaroon ng mga gulo na may ba­hid pulitika.

Samantala, ipinauu­ba­ya naman ng PRO6 sa local PNP units ang pag­ba­bantay sa sitwasyon sa Aklan pero kung mag­ka­roon aniya ng kagul­uhan, posibleng mag-deploy sila ng augmentation.

Kaugnay nito, malala­gay naman sa category 2 ang isang bayan kapag may mga kaguluhang dulot ng CPP-NPA. May kabuu­ang 48 na lugar sa buong western Visayas ang isina­ilalim sa watch­lists ng PNP para sa 2010 election.

Nangunguna aniya sa mga binabantayan ng pu­lis­ya ang lalawigan ng Iloilo na may 16 na bayan, si­nun­dan ng Ne­g­­ros Occidental kung saan 10 muni­sipa­lidad ang kanilang mino­monitor. (Ricky Tulipat)

AKLAN

AYON

BATAN

BUKOD

NEW WASHINGTON

POLICE REGIONAL OFFICE

PUBLIC INFORMA

RANULFO DEMIAR

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with