^

Bansa

AFP officials kumita raw sa mga Ampatuan

-

MANILA, Philippines - Malaki umano ang paniniwala ni dating Pangulong Fidel Ramos na may mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “kumita” sa mga Ampatuan, makaraang makakumpiska ng bulto ng bala at armas sa mga mansiyon na kanilang pag-aari sa Maguindanao.

Ayon kay Ed Malay, spokesman ni Ramos sa ginanap na pulong Balitaan sa Tinapayan, may mga “markings” ng AFP ang mga armas na nakumpiska, kaya malamang umano na sa kanila nanggaling ang mga nabanggit na armas. Hiniling ni Malay sa Kongreso na imbestigahan at gisahin ang mga opisyal ng AFP sa Maguindanao.

Naniniwala si Malay na isa itong “dry run” para sa “no election” scenario at ginamit si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. kung saan pinaniniwalaan ni Malay na may mataas na opisyal ng pamahalaan ang nasa likod ng ginawang pagpa-plano ng masaker.

Samantala, sinabi naman ni Hadji Ahmad Bayam, alyas Commander Bayan ng Moro National Liberation Front (MNLF) na pumunta din sa forum na hindi dapat nanggagaling sa Malakanyang ang umuupong Governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Dapat umanong malayang makapamili ang mga mamayan sa ARMM kung sino ang gusto nilang ma-ging lider dahil sila ang dapat na pinaglilingkuran hindi ang gobyerno. (Doris Franche)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AUTONOMOUS REGION

COMMANDER BAYAN

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

DORIS FRANCHE

ED MALAY

HADJI AHMAD BAYAM

MAGUINDANAO

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with