Lady solon binigyan ng award

MANILA, Philippines - Pinarangalan ng Award for Congressional Legislative and Service Excellence ng Consumers League of the Philippines Foundation, Inc. (CONPHIL) si Caloo­can City District 2 Rep. Mary Mitzi L. Cajayon dahil sa makabuluhang pagliling­kod sa gobyerno.

Ginanap ang 2009 Dangal ng Pilipinas Awards night noong Nobyembre 25, 2009 sa tanghalang Henry Irwin Lee sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Si Cajayon ay nasa unang termino sa Kongreso at pinarangalan dahil sa pa­nukalang batas na nais maiangat ang pamumuhay ng publiko, lalo na ng mga maralita sa Caloocan City.

Si Cajayon na tinagu­riang “Giant Killer” ay number one councilor ng Calo­ocan matapos na manalo noong 2004 bilang independent candidate.

Layon din ni Cajayon na maisulong ang kapa­kanan ng mga bata, kaba­baihan at matatanda sa lungsod at naging instru­mento din ito sa pagpasa ng mga batas hinggil sa kalu­sugan, edukasyon at ka­pa­ ligiran. (Butch Quejada)

Show comments