MANILA, Philippines - Malabong mag karoon ng mas maagang elek-siyon kung walang ba- gong batas na ipinapasa ang Kongreso.
Binigyan-diin ni Comelec spokesperson James Jimenez na ayon sa Konstitus yon ay dapat sabay-sabay ang halalan sa buong bansa maliban lamang kung may batas na magtatakda ng hiwa-lay o mas maagang halalan sa ilang lugar.
Hindi rin madali ang magkaroon ng maagang halalan dahil mahahati ang atensyon ng Comelec.
Gayunman, pabor ang komisyon na magkaroon ng maagang eleksyon upang masiguro ang ma- ayos at malinis na ha- lalan sa mga itinuturing na election hotspots.
Samantala, nainspeksyon na ng Comelec ang mga assembly line na gagamitin para sa mga makina sa eleksyon sa susunod na taon.
Sa Suzhou, China sinuri ng three-member team ng Comelec ang Qisda Factory upang masiguro na matatapos sa takdang oras ang mga makina.
Kumpiyansa ang Smartmatic na matatapos ang 82,200 na mga makina sa Pebrero 8 ng susunod na taon. Unang ibibiyahe ang 3,200 na mga makina na darating sa bansa sa Disyembre 27.
Tiniyak din ng Smartma-tic na isasailalim ang mga makina sa mga pag susuri upang masigurong hindi ito papalpak pagdating ng eleksyon. (Doris Franche)