270 katao iniimbestigahan sa massacre
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 270 tao ang iniimbestigahan ng mga awtoridad kaug-nay ng Maguindanao massacre.
Inihayag ni Justice Secretary Agnes Devana- dera ang unang hearing sa Disyembre 18 kung saan magtatakda sila ng mara-mi pang pagdinig para mapabilis ang paglilitis.
Ngunit agad din na-man nilinaw ni Devana-dera na tanging si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. pa lamang ang nasasampahan ng kaso. Aniya, ang iba tulad ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. ay dadaan pa sa regular na preliminary investigation.
Samantala, ihihirit ng DOJ sa Korte Suprema na mailipat sa Metro Manila ang paglilitis sa kasong rebelyon na isinampa sa mga Ampatuan.
Ngayong pumayag na ang Supreme Court na mailipat sa Quezon City Regional Trial Court ang mga kasong murder na kinakaharap ng mga Am patuan, mas mainam na sa Metro Manila na rin isagawa ang paglilitis lalo’t parehong mga personalidad lang din naman ang akusado sa dalawang kaso.
Binanggit ng kalihim na limang mga Ampatuan at 19 na taga-suporta nito ang nasampahan na nila ng kaso.
Pero tuluy-tuloy aniya ang pagbusisi ng mga pulis at DOJ prosecutor upang madagdagan pa ang mga masasampa- han ng kasong rebelyon. (Doris Franche)
- Latest
- Trending