Gibo pinuri ng Muslim groups

MANILA, Philippines - Pinuri at hinangaan ng Muslim civil society groups at mga intellectuals sa pangunguna ni dating Sen. Santanina Rasul ang naging hakbang ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. laban sa mga Ampatuans.

Sinabi ni Sen. Rasul sa isang round-table discussion ng Muslim intellectuals at civic leaders mula sa ARMM, lahat ng presidentiables ay pawang “tahimik” matapos ang Maguindanao massacre maliban kay Sec. Teodoro na hayagang patalsikin ang mga Ampatuans na itinuturong sangkot sa masaker sa Lakas-Kampi-CMD kung saan siya ang chairman.

Aniya, ang ibang mga presidential candidates ay ‘nanahimik’ at naghihintay na lamang ng mga developments dahil sa pangamba na makaapekto ito sa kanilang kandidatura subalit matapang na nagpahayag ng kanyang paninindigan si Gibo kaugnay nito.

Hinangaan ni Rasul ang matapang na pani­ nin­digan ni Teodoro matapos manawagan agad ito sa gobyerno na gumawa ng kongkretong hakbang para mabigyan ng hustisya ang mga mga biktima ng ma­saker kasabay ang pagpapatawag ng pulong ng Lakas-Kampi-CMD at patalsikin ang mga Ampatuans. (Rudy Andal)

Show comments