Joint session tatagal pa

MANILA, Philippines - Dahil sa dami ng mga senador at congressmen na posibleng magtanong sa mga resource persons na ipinadala ng Mala­ca­ñang, posibleng tumagal pa ang joint session ng Senado at House of Representatives tungkol sa idineklarang Martial Law sa Maguindanao.

Ayon kay Senator Mi­riam Defensor-Santiago, posibleng hindi pa rin matapos agad ang joint session na sinimulan noong Miyerkules dahil bibigyan ng tig-30 minuto ang bawat miyembro ng Kongreso upang magta­nong sa resource persons.

Kahapon idinaos ang ikalawang araw ng joint session ng Senado at   House of Representa-tives sa Ba­tasan Com-plex, Que­zon City.

Unang tumayo si Ma­kati Rep. Teddy Locsin pero sa halip magtanong ay dinepensahan nito kung bakit dapat haya­ang gumana ang martial law sa Maguindanao.

Isa si Locsin sa ku­montra sa martial law ni dating Pangulong Ferdi­nand Marcos ngunit ipi­nagtatanggol niya ang martial law ni Pangulong Arroyo dahil kailangan anya ito sa harap ng ka­ru­mal-dumal na pagma­saker sa 57 katao at pag­kakatuklas ng mistulang arsenal ng mga armas at bala na ikinakabit sa mga Ampatuan.

Nagpahayag din ng pangamba si Santiago na gamitin ang joint session sa pangangam­pan­ya ng mga nais tumakbo sa 2010 elections. 

Isa si Santiago sa na­ni­niwalang hindi naaa-yon sa batas ang pagde­dek­­lara ng Martial Law sa Maguindanao dahil wala naman umanong nang­ya­ yaring rebelyon sa lugar.

Aminado naman ma­ging  si House Speaker Pros­pero Nograles na posib­leng abutin pa ng isang linggo ang joint session ng Senado at Kamara. (Butch Quejada/Malou Escudero)

Show comments