78 katao hinostage!
MANILA, Philippines - Umaabot sa 78 katao na kinabibilangan ng mga guro at estudyante ang puwersahang tinangay at hinostage ng 25 mga armadong kalalakihan sa naganap na karahasan sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur kahapon ng umaga.
Sa inisyal na report ni Sr. Supt. Nestor Fajura, Operations Chief ng CARAGA Regional Police Office, mag-a-alas-8 ng umaga kahapon nang dukutin ng binansagang Perez Group ang mga biktima sa Sitio Maitum, Bgy. San Martin ng nasa bing bayan.
Sinasabing dinala ng mga suspek ang mga biktima na ang mga batang estudyante ay nasa 10 ang bilang sa bahagi ng 2KM Northeast ng Sitio Maitum sa nasa-bing barangay.
Ayon kay Fajura, ang mga suspect ay pinamumunuan ng isang Undo Perez, may warrant of arrest sa kasong murder at nahaharap sa samut saring kaso ng robbery sa nasabing lugar.
Inihayag ng opisyal na kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang grupo ni Perez kung saan ng malapit na ang mga itong masukol ay hinostage ang mga guro at estudyante na papa sok na sa Maitum Elementary School.
Kabilang naman sa demand ng mga suspect ay battery ng flashflight, sigarilyo, pag-aresto kay Jun Tabay na kalaban ng kanilang grupo, mediamen para mag-interview, pagpapatigil ng military operations laban sa kanilang grupo at pag-atras sa kanilang mga kasong kriminal.
Nabatid na ang Perez at Tubay gang ay magkaaway na grupo ng mga elementong kriminal sa lugar matapos umanong paslangin ng grupo nina Tubay ang pamilya ni Perez noong Pebrero ng taong ito.
Nagawa namang makatakas ng isang gurong hostage na kinilalang si Marilou Magpale matapos itong magtatakbo at magtago.
Kaugnay nito, bumuo na ng Crisis Manage-ment Committee sa pamumuno ni Agusan del Sur Governor Tina Plaza na nagsasagawa ng negosasyon para sa pagpapalaya sa mga bihag.
Nagresponde na rin sa lugar ang tropa ng Army’s 402nd Brigade at ng lokal na pulisya upang ligtas na mabawi ang mga hinostage.
Habang isinusulat ang balitang ito ay sinasabing 18 ang pinalaya na.
- Latest
- Trending