Rebelyon isinampa ng DOJ vs Ampatuans

MANILA, Philippines - Isinampa na ng Department of Justice sa Cotabato City Regional Trial Court ang kasong rebelyon laban sa li­mang miyembro ng pa­milya Ampatuan at sa 19 na bunsod na rin ng testimonya ng 20 testigo na hawak ngayon ng gobyerno.

Kabilang sa kinasu­han sina Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, acting Ma­guindanao Gov. Sajjid Islam Ampatuan, Ma­guin­danao Vice-Gov. Al Hadji Akmad Ampatuan at Shariff Aguak Mayor Anwar Ampatuan.

Walang inirekomen­dang piyansa sa mga Ampatuan na naakusa­hang utak ng rebelyon habang P200,000 na­man ang piyansang inire­ komenda para sa ibang kinasuhan ng rebelyon.

Pansalamantala na­mang inilagay sa ar­chive ng Court of Appeals sa lungsod ng Cagayan de Oro ang writ of amparo petition ng pamilya Am­patuan laban sa mga awtoridad.

Ito’y matapos ma­bigo ang grupo ng mga abo­gado ng mga Am­pa­tuan na makapagpre­senta ng kahit isang ebi­ densiya na magpa­patu­nay na na­nganga­nib ang buhay ng kani­lang mga kliyente. (Doris Franche)

Show comments