Rebelyon isinampa ng DOJ vs Ampatuans
MANILA, Philippines - Isinampa na ng Department of Justice sa Cotabato City Regional Trial Court ang kasong rebelyon laban sa limang miyembro ng pamilya Ampatuan at sa 19 na bunsod na rin ng testimonya ng 20 testigo na hawak ngayon ng gobyerno.
Kabilang sa kinasuhan sina Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, acting Maguindanao Gov. Sajjid Islam Ampatuan, Maguindanao Vice-Gov. Al Hadji Akmad Ampatuan at Shariff Aguak Mayor Anwar Ampatuan.
Walang inirekomendang piyansa sa mga Ampatuan na naakusahang utak ng rebelyon habang P200,000 naman ang piyansang inire komenda para sa ibang kinasuhan ng rebelyon.
Pansalamantala namang inilagay sa archive ng Court of Appeals sa lungsod ng Cagayan de Oro ang writ of amparo petition ng pamilya Ampatuan laban sa mga awtoridad.
Ito’y matapos mabigo ang grupo ng mga abogado ng mga Ampatuan na makapagpresenta ng kahit isang ebi densiya na magpapatunay na nanganganib ang buhay ng kanilang mga kliyente. (Doris Franche)
- Latest
- Trending