Reward sa ulo ng 100 CVO ilalabas

MANILA, Philippines - Nakatakdang mag­ pa­la­bas ng reward ang Philippine National Police para sa mabilisang ika­da­rakip ng may 100 mi­yem­bro ng Civilian Volunteers Organization o mga goons ng Am­patuan clan na sangkot sa ka­rumal­dumal na Maguin­danao massacre noong Nob­yembre 23.

Sinabi ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa na kasalukuyan pa nilang pinag-aaralan kung magka­no ang ipa­lalabas na reward sa ma­kakapagturo sa kinaro­roonan ng mga sus­pek.

Inihahanda naman ng PNP-CIDG ang pagsa­sam­pa ng mga kaukulang kaso laban sa 100 sus­pek.

Nabunyag rin na pinag­planuhan ang krimen kung saan mula pa noong Nob­yembre 20 ay naglatag na ng checkpoint ang mga CVO’s at mga tiwaling pulis ng mga Ampatuan sa highway upang harangin ang convoy ng mga Ma­ngu­da­datu. Isinailalim rin sa surveillance operations ng mga suspek ang pa­ milya ni Bu­luan Vice Mayor Esmael “Toto” Man­gu­dadatu. (Joy Cantos)

Show comments