Maguindanao massacre: Andal nanguna sa pamamaril

MANILA, Philippines - Ikinanta ng isang lu­mantad na bagitong pulis na si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. ang siya pa umanong nangu­na sa pagbaril sa 57 bik­tima kabilang ang mahigit 30 mediamen sa Maguin­danao noong Nobyembre 23.

Sa press briefing sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group-Criminal Investigation and Detection Division Chief Sr. Supt. Erick­son Velas­quez na positi­bong iti­nuro ni PO1 Rai­ner Ebus ang direktang partisi­ pasyon ni Mayor Andal Jr. sa karumal­-dumal na masaker.

Base sa salaysay ni Ebus, sinabi ni Velas­quez na si Mayor Am­patuan Jr. umano ang na­nguna pa mismo sa pagbaril sa mga bikti­mang hinarang sa check­point sa Crossing ng Brgy. Saniag, Am­patuan, Maguinda­nao.

Kabilang sa mga bik­tima ay ang Misis ni Bu­luan Vice Mayor Esmael “ Toto “ Mangudadatu na si Genalyn, mga supporters at miyembro ng pa­milya nito at 32 media­men.

Ang mga ito ay patu­ngo sa lokal na tangga­pan ng Commission on Elections sa Brgy. Sa­niag para magsumite ng Certificate of Candidacy sa pagtakbong gober­nador ni Toto nang ha­rangin at patayin.

Bukod kay Andal Jr. ay nakita rin umano ni Ebus na pinagbabaril rin ni Salibo, Maguin­ danao Vice Mayor Datu Kanor Ampatuan ang mga bik­tima kung saan maging ito umano ay nagulat dahilan sa kul­tura ng mga Muslim ay igina­galang ang mga babae.

Show comments