Maguindanao massacre: Andal nanguna sa pamamaril
MANILA, Philippines - Ikinanta ng isang lumantad na bagitong pulis na si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. ang siya pa umanong nanguna sa pagbaril sa 57 biktima kabilang ang mahigit 30 mediamen sa Maguindanao noong Nobyembre 23.
Sa press briefing sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group-Criminal Investigation and Detection Division Chief Sr. Supt. Erickson Velasquez na positibong itinuro ni PO1 Rainer Ebus ang direktang partisi pasyon ni Mayor Andal Jr. sa karumal-dumal na masaker.
Base sa salaysay ni Ebus, sinabi ni Velasquez na si Mayor Ampatuan Jr. umano ang nanguna pa mismo sa pagbaril sa mga biktimang hinarang sa checkpoint sa Crossing ng Brgy. Saniag, Ampatuan, Maguindanao.
Kabilang sa mga biktima ay ang Misis ni Buluan Vice Mayor Esmael “ Toto “ Mangudadatu na si Genalyn, mga supporters at miyembro ng pamilya nito at 32 mediamen.
Ang mga ito ay patungo sa lokal na tanggapan ng Commission on Elections sa Brgy. Saniag para magsumite ng Certificate of Candidacy sa pagtakbong gobernador ni Toto nang harangin at patayin.
Bukod kay Andal Jr. ay nakita rin umano ni Ebus na pinagbabaril rin ni Salibo, Maguin danao Vice Mayor Datu Kanor Ampatuan ang mga biktima kung saan maging ito umano ay nagulat dahilan sa kultura ng mga Muslim ay iginagalang ang mga babae.
- Latest
- Trending