^

Bansa

Ampatuans isinabit: 200 pa minasaker

- Nina Angie Dela Cruz at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kasalukuyang iniim­bes­tigahan ng Commission on Human Rights ang ulat na may 200 pang tao ang pinaslang ng pamilyang Ampatuan sa lalawigan ng Maguinda­ nao.

Bukod pa umano ito sa 57 katao na pinaslang sa Ampatuan, Maguin­danao noong Nobyembre 23.

“May 200 ang tinitig­nan namin,” sabi kaha­pon ni CHR Chairwoman Leila de Lima na nagsabi pa na pinaniniwalaang inili­bing sa iba’t ibang mass grave na nakakalat sa Maguindanao ang bang­kay ng mga bik­tima.

Inihayag din kahapon ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa na 161 ka­tao ang hinihina­lang may kagagawan ng masaker.

Sinabi ni de Lima na may mga saksi sa pama­maslang na ngayon la­mang nais na magsalita la­ban sa mga Ampatuan da­hil ang lider nito ay nahuli na dahil sa pag­masaker sa 57 katao noong Nobyem­bre 23.

Sinabi pa ni de Lima na limang mga police officers na may direktang kinala­man sa mga pama­maslang ang ilan sa mga taong nais na ngayong magsalita laban sa mga Ampatuan.

Si Andal Ampatuan Sr., puno ng pamilyang Ampa­tuan, ay naging governor ng Maguinda­nao at na­ ging tagasunod ni Pangu­long Gloria Arroyo mula taong 2001 at isa sa may 62 katao na inaresto ma­karaang ipa­iral ang martial law sa Maguindanao kasunod ng masaker noong naka­raang buwan.

Ang anak nitong si An­dal Ampatuan Jr. ay na­sam­pahan na ng 25 bilang ng kasong murder.

Noon ay napayagan ng pamahalaan na mag­ ka­roon ng private armies ang mga Ampatuan bi­lang ba­hagi ng pama­maraan na mawalis ang mga rebel­deng Muslim at insurgency sa Maguin­danao at iba pang lala­wigan sa Minda­nao.

Batay sa impormas­yong natanggap ng CHR,   ang sinasabing 200 katao ay pinaslang sa pamama­gitan ng chainsaw o pang­lagare ng troso sa loob ng 10 taong pamamayani ng angkang Ampatuan sa Maguindanao.

Ang CHR ay humingi ng seguridad sa PNP at Armed Forces of the Philippines upang magsa­gawa ng imbestigasyon at pag­huhukay sa mga lugar na sinasabing pinagba­unan sa mga biktima ng chainsaw massacre ha­bang ang iba naman ay binistay ng bala at ilan ang buhay pang inilibing sa malalim na hukay na ginamitan ng backhoe.

Sinasabing karamihan sa mga biktima ay inilibing sa mga balwarteng teri­toryo ng mga Ampatuan sa ba­yan ng Shariff Aguak at Am­patuan sa Maguin­da­nao.

Ayon kay Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Lt. Col. Jo­nathan Ponce, may na­tanggap silang impormas­yon na isa sa mga biktima ay ang matagal ng pinag­hahanap na si Atty. Arnel Datucon.

AMPATUAN

AMPATUAN JR.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARNEL DATUCON

CHAIRWOMAN LEILA

GLORIA ARROYO

MAGUIN

MAGUINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with