Disqualification vs Erap ibinasura ng Korte Suprema

MANILA, Philippines - Bunga ng masyado pang maaga, nabalewala lamang ang petisyon na nagpapa-diskwalipika sa kandidatura ni dating Pa­ngulong Joseph Estrada.

Ito’y dahil sa pagba­sura ng Korte Suprema kahapon sa petisyon na humihiling na idisku­wal­i­pika ang kandidatura ni Estrada sa 2010 presidential election bunsod ng pagiging premature.

Ayon kay Supreme Court Deputy Spokesperson Gleo Guerra na sa Commission on Election (Comelec) dapat unang inihain ang petisyon na syang may hurisdiksyon sa nasabing kaso at hindi kaagad umakyat sa Korte Suprema.

Matatandaan na nag­hain ang grupong Vanguard sa pangunguna ni Atty. Elio Mallari ng disqualification case laban kay Estrada, sa giit na isang paglabag sa probis­yon ng 1987 Constitution hinggil sa pagba­bawal na hindi na maari pang tumakbo o mare-elect ang isang naupo nang Pangulo ng bansa.    

Sa ngayon, dalawang disqualification case laban kay Estrada ang nakabin­bin pa sa Comelec. Sa pe­tisyon nina Evillo Por­mento at Atty. Oliver Lozano, hindi na maaring tumakbo pa si Estrada dahil nakapagsilbi na ito bilang pangulo noong 1998 hanggang 2001.

Subalit ayon kay Es­ trada, dalawang taon at ka­la­hati lamang siyang naging pangulo kaya’t maa­ari pa rin siyang  tu­makbo bilang presidente.  (Ludy Bermudo/Doris Franche) 

Show comments