^

Bansa

Joint session ng Kongreso itutuloy ngayon

-

MANILA, Philippines - Hindi itinuloy ang naka­ takdang joint session ng Kongreso at Senado para maiwasan ang ba­nga­yan ng mga Senador at Kongresista hinggil sa legalidad ng pag­dedeklara ng martial law ni pangu­long Gloria Arroyo.

Itinakda muli ang natu­rang session ngayong araw dakong alas-4 ng hapon at minabuting bu­ma­langkas na lang muna ng rules para sa gagawing session.

Sinabi ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kakaiba ang “dynamics” ng mga Kongresista kum­para sa mga Senador kaya malaki ang posibilidad na magbanggaan ang mga ito at tuluyan ng hindi mare­resolba ang usapin ng legalidad ng pagdedeklara ng martial law ni Pangu­long Arroyo sa Maguin­danao.

Aniya, mas mabuting agad maiwasan ang bali­taktakan ng dalawang panig kaysa malagay sa masa­mang imahe ang mga ito.

Aminado naman si Zubiri na nahirapan silang buuin ang naturang rules at ito ang unang pagka­kataon na magdaraos ng joint session ang dalawang kapulungan ng Kongreso. Ang pangyayaring ito ay malayo aniya sa panahon ni dating pangulong Ferdi­nand Marcos dahil mata­pos nitong ideklara ang martial law ay agad na ini-abolish ang Kongreso.

Sinabi naman ni House Speaker Prospero Nog­rales na binibigyan nila ng respeto ang Senado kung saan maging ang uupuan ng mga ito ay isinasaayos na.

Samantala, nais ni Sen. Mar Roxas na ipa­tawag ngayong araw ang pamilya Ampatuan para magpali­ wanag sa umano’y mala­wakang dayaan na naga­nap sa Maguindanao noong 2004 at 2007 election.

Ipinaliwanag ni Roxas na dapat imbestigahan ang naturang dayaan lalo pa at nahukay sa lupang pag­ mamay-ari ng mga Ampa­tuan ang libong bilang ng mga election para­pher­nalias at posibleng ito din ang dahilan kung bakit nag­deklara si Pangulong Arroyo ng martial law sa Ma­guindanao.   (Butch Que­jada/Malou Escudero)

BUTCH QUE

GLORIA ARROYO

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOG

KONGRESISTA

KONGRESO

MAJORITY LEADER JUAN MIGUEL ZUBIRI

MALOU ESCUDERO

MAR ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with