3 pamilya maglalaban sa Taguig

MANILA, Philippines - Bukod sa pare-pare­hong malapit kay Pangu­long Gloria Macapagal Arroyo, tatlong pamilya ang maglalaban-laban sa pagka-kongresista sa pangalawang distrito ng Taguig.

Sila Taguig Mayor Freddie Tinga, Congressman Henry Duenas, at Jett Reyes na anak ni Department of Energy Secretary Angelo Reyes ay “magsa­ sabong” upang masungkit ang naturang pwesto.

Si Tinga ay tatakbo bilang official candidate ng Liberal Party. Si Duenas naman ang pam­bato ng LAKAS-KAMPI-CMD. Si Reyes ay independent.

Napag alaman na hindi dapat magka­ka­ganito lalo na sa pa­gitan ng mga Tinga at Duenas. 

Sinabi ng isang im­por­mante na nabasag nang tuluyan ang alyansa ng mga Tinga, Duenas, at Reyes. Nung dati daw ay sanggang dikit ang tatlo at mistulang BFF o “Best Friends Forever,” ngayon ay hati na sila at nagha­hatakan na din ng mga supporters hang­gang sa mga barangay. (Butch Quejada)

Show comments