^

Bansa

Martial Law hahamunin sa SC

- Nina Ludy Bermudo at Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Ihahain na ngayong araw sa Korte Suprema ang pagkuwestiyon sa legalidad ng proklamasyon ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo na nagsa­sailalim sa martial rule ng Maguindanao province.

Nabatid na pangu­ngu­nahan ito ni Atty. Harry Roque na nagsasabing dapat ipawalang-bisa ang nasabing proklamasyon dahil sa kawalan umano ng sapat na basehan at itinuturing na ‘overkill’.

Nangangamba si Ro­que sa posibilidad na idek­lara din sa Maynila o sa buong bansa ang martial law upang hindi matuloy ang eleksiyon sa 2010, sa pamamagitan ng posib­leng paggawa ng senaryo.

Isa lamang umanong simpleng police matter ang usapin sa Maguindanao kahit pa marami ang na­patay na hindi naman ka­ila­­ngang mauwi sa pagde­dek­lara ng batas militar.

Kabilang sa pinanga­ngambahan din ang posib­leng pag-abuso ng mga awtoridad sa karapatang pantao partikular sa warrantless arrest na maaring gawin habang nasa ilalim ng martial law ang lugar.

Iginiit naman ng Mala­cañang na walang ‘overkill’ sa ginawang pagdedeklara ng martial law sa Maguin­danao gaya ng akusasyon ng ilang pulitiko na mula sa opo­sisyon, kundi nais la­mang nitong mabigyan ng hus­tisya ang mga biktima ng Maguindanao massacre matapos hindi na gumana dito ang judicial system.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, ina­anyayahan din ng gob­yerno ang Commission on Human Rights na mag­tungo sa Maguin­danao upang masi­guro na walang nalalabag na karapatang pantao kahit umiiral ang martial law sa nasabing lalawigan.

Umabot na sa 62 katao ang inaresto ng mga awto­ridad na pawang mga ta­uhan ng mga Ampatuan.

AMPATUAN

AYON

HARRY ROQUE

HUMAN RIGHTS

KORTE SUPREMA

MAGUIN

MAGUINDANAO

PANGULONG GLORIA MACA

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with