Cebu nangako ng 1-mil­yong votes kay Gibo

MANILA, Philippines - Nangako ang lalawi­gan ng Cebu ng isang mil­yong boto para kay Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. sa darating na 2010 elections.

Sinabi ni Mandaue Vice-Mayor Carlos For­tuna, chief legal counsel ng Vice Mayors’ League of the Philippines, na ang Man­daue at Cebu ay magbi­bigay ng 1 milyong boto kay Teodoro sa 2010 elections para masiguro ang panalo nito.

“Our people like Gibo for his intelligence, integrity and leadership style,” wika pa ni Vice-Mayor Fortuna.

Noong nakaraang ling­go ay bumisita si Gibo sa Cebu kung saan ay inen­dorso ng One Cebu Party sa pangunguna ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, ang pambato ng adminis­tration.

Ayon kay Gov. Garcia, ang 1989 bar topnotcher at Harvard-trained lawyer ang nakikita ng taga-Cebu na ‘most competent at most qualified’ na presi­dential bet sa 2010 elections.

Si Gibo din ang nakikita ng Once Cebu Party na mag­susulong ng mga pa­niniwala ng Cebuano para sa competence at excel­lence sa public service.

Ang vote-rich na lalawi­gan ng Cebu ang nagpa­nalo kay Pangulong Ar­royo sa nakaraang 2004 elections at inaasahan din ni Garcia na magpapanalo kay Gibo sa darating na 2010 elections. (Butch Quejada)

Show comments