Cebu nangako ng 1-milÂyong votes kay Gibo
MANILA, Philippines - Nangako ang lalawigan ng Cebu ng isang milyong boto para kay Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. sa darating na 2010 elections.
Sinabi ni Mandaue Vice-Mayor Carlos Fortuna, chief legal counsel ng Vice Mayors’ League of the Philippines, na ang Mandaue at Cebu ay magbibigay ng 1 milyong boto kay Teodoro sa 2010 elections para masiguro ang panalo nito.
“Our people like Gibo for his intelligence, integrity and leadership style,” wika pa ni Vice-Mayor Fortuna.
Noong nakaraang linggo ay bumisita si Gibo sa Cebu kung saan ay inendorso ng One Cebu Party sa pangunguna ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, ang pambato ng administration.
Ayon kay Gov. Garcia, ang 1989 bar topnotcher at Harvard-trained lawyer ang nakikita ng taga-Cebu na ‘most competent at most qualified’ na presidential bet sa 2010 elections.
Si Gibo din ang nakikita ng Once Cebu Party na magsusulong ng mga paniniwala ng Cebuano para sa competence at excellence sa public service.
Ang vote-rich na lalawigan ng Cebu ang nagpanalo kay Pangulong Arroyo sa nakaraang 2004 elections at inaasahan din ni Garcia na magpapanalo kay Gibo sa darating na 2010 elections. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending