^

Bansa

'AFP ang nag-supply ng armas sa Ampatuan'

-

MANILA, Philippines - Ibinulgar kahapon ni ret. Major Gen. Jovito Pal­paran na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) umano ang nag-supply ng mga matataas na kalibre ng baril at mga bala sa maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan na nangyari sa nakalipas na mga dekada.

Gayunman, kumam­byo naman si Palparan na ang pagsu-supply ng mga armas ng AFP sa mga Ampatuan ay ka­ugnay ng pinalakas na anti-insur­gency campaign ng gob­yerno laban sa Moro Isla­mic Liberation Front (MILF) sa Central Mindanao.

 “Andal Ampatuan Sr. (Maguindanao Governor ) has been helping the go­vernment against the MNLF and the MILF. Their contribution to fight the rebels has been greatly taken into consideration by the government. If the military supplies were found in their armory, it’s more because of their in­volvement in the fight”, pahayag ni Palparan.

Sinabi ni Palparan na sa katunayan ang pagta­tag ng mga CAFGU’s at Ci­ vilian Volunteer Organiza­tion ay bahagi rin ng pag­papalakas sa mga Ampa­tuan upang masupil ang mga kalaban ng estado.

Ang ilang maiimplu­wen­syang angkan ng mga Ampatuan ang itinuturong mastermind sa malagim na masaker ng 57 katao kabilang ang 30 mediamen sa Ampatuan, Maguinda­nao noong Nobyembre 23.

Sinabi ni Palparan, ba­gaman maganda ang ha­ngarin ng pamahalaan ay nagkaroon ang mga ito ng pagkukulang at kama­lian kung saan nagresulta ito sa pang-aabuso sa ka­pangyarihan ng mga Am­patuan.

Aniya, may mga pag­ka­kataon na naluluma at pumapalya ang mga bala at mga baril ng mga Am­patuan kaya dumami ng dumami ang supply ng mga ito buhat sa militar.

Sa raid na isinagawa ng pinagsanib na ele­mento ng militar at pulisya sa mansion ng mga Ampa­tuan at sa lugar na malapit sa premises ng compound ng mga ito sa Shariff Aguak, Maguin­danao um­pisa pa nitong Huwebes ng hapon ay bultu-bulto ng mga armas, bala at mga ca­mouflage uniform ang na­rekober ng mga awto­ridad.

Nakita dito ang mga kahon na may markings ng Department of National Defense (DND) at maging ng PNP.

Ang nasabing armory ayon kay PNP Chief Di­rector General Jesus Verzosa ay sapat upang masuplayan ang isang batalyon o 500 puwersa. (Joy Cantos)

AMPA

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CENTRAL MINDANAO

CHIEF DI

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

PALPARAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with