Martial Law posibleng kumalat sa buong Pilipinas
MANILA, Philippines - Nangangamba si Se-nator Francis “Chiz” Escudero sa posibilidad na maisailalim sa martial law ang buong bansa matapos na ideklara ito sa lalawigan ng Maguindano.
“I hope this is not the case of Maguindanao today, the Philippines tomorrow,” sabi ni Escudero.
Aniya, malinaw ang isinasaad ng Section 18, Article 7 ng Konstitusyon na maari lang ideklara ang martial law kung mayroong kaso ng “invasion” o “rebellion” na sa ngayon ay hindi naman nagaganap sa bansa at tanging sa Maguindanao lamang may banta ng kaguluhan.
“These are not obviously present in Maguindanao. The current state of emergency would have sufficed to address the clamor for justice for the massacre victims and restore the rule of law in the province,” sabi ni Escudero.
Ipinaalala ni Escudero na nang maglunsad ng all-out war si dating Pangulong Joseph Estrada laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong 2000, hindi ito nagdeklara ng Martial Law sa Mindanao.
Iginiit naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na maaaring kuwestiyunin ng sinuman sa Korte Supre ma ang ginawang deklarasyon ng martial law ni Arroyo ngunit aminado naman ito na legal ang na sabing hakbang ng huli.
Samantala, nakatak- dang magpulong sa Lunes ang Senado at Kongreso para talakayin ang pagdedeklara ng martial law at isang joint session ang isasagawa sa Martes para pagbotohan kung nais nilang palawigin ito
- Latest
- Trending