MANILA, Philippines - Tiniyak ng Depart-ment of Justice (DoJ) na hindi magpapatupad ng Martial Law sa ibang bahagi ng bansa at hindi gagawing dahilan ang tensyon sa Maguindanao para pairalin sa buong bansa ang Presidential Proclamation 1959.
Ayon kay Justice Secretary Agnes Devanadera, sa kabila ng pagdedeklara ng kautusan mula Malacañang sa mga lugar na pinaiiral ang state of emergency, nananatiling pili ang bahagi na inilagay ang batas militar.
Nangangahulugan lamang ito na malabo nang ipatupad ang na sabing proklamasyon sa Metro Manila o iba pang parte ng ating bansa.
Idinepensa rin ni De vanadera ang pagsasailalim ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa martial law sa Maguindanao, sa mga pagbati-kos ng ilang kritiko bilang ‘overkill.
Aniya, may bantang rebelyon sa lalawigan ng Maguindanao, na ayon sa batas, isang konseptong batayan para sa pagde deklara ng martial law.
Nagpapatibay umano dito ang mga ulat na namataang grupo ng mga armado, na pinaniniwalaang tagasuporta ng mga Ampatuan.
Aminado naman umano si B/Gen. Gaudencio Pangilinan, hepe ng civil relations service ng AFP na natukoy mula sa intelligence reports ang walong lugar sa Maguindanao na merong nagtiti- pon na mga armadong grupo na may 20-hang gang 50 armado na posibleng mag-alsa laban sa gobyerno at hindi umano basta-basta ang mga dalang baril dahil high-powered umano na kayang tapatan ang sandatahan ng pamahalaan.
Idinagdag pa ni Deva nadera na hindi maituturing na ‘over kill’ ang dekla rasyon ng Martial Law dahil hindi na nagpa-function ang lokal na pamahalaan ng Maguindanao, wala ng pumapasok na lokal na opisyal, at maging ang mga huwes ay wa- lang gustong humawak sa kaso sa pagmasaker sa 57 katao.
Giit pa ni Devana dera, ang mga munisipyo umano ay isinara na rin at ang ibang mga empleyado ay wala ng ginawa kundi mag-people power. (Doris Franche/Ludy Bermudo)